14℃
Beijing

Resulta ng halalan ng State Duma ng Rusya, nagpapakita ng mithiin ng mga Ruso - tagapagsalitang Tsino

2021-09-20 20:32:49  CMG
Share with:

Kaugnay ng halalan ng State Duma ng Rusya na matagumpay na idinaos kamakailan, at inisyal na resulta nitong nangunguna ang United Russia, sinabi ngayong araw, Setyembre 20, 2021, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang halalang ito ay mahalagang pangyayari sa pulitika ng Rusya, at ang resulta nito ay nagpapakita ng mithiin ng mga mamamayang Ruso.

 

Aniya, bilang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partner, igigiit ng Tsina ang matatag na pagsuporta sa mga mamamayang Ruso sa pagpili ng sariling landas ng pag-unlad, at sa bansang Rusya sa pagtamo ng mga bagong bunga at pagsasakatuparan ng pag-unlad at pagyabong sa pamumuno ni Pangulong Vladimir Putin.

 

Editor: Liu Kai

Koment( Komento)

Please select the login method