14℃
Beijing

Kabilugan ng buwan at natupad na pangarap

2021-09-21 12:27:20  CMG
Share with:

Ngayong araw, Setyembre 21, 2021 (Agosto 15 sa lunar calendar),  ay Mid-Autumn Festival — isang tradisyonal na kapistahan ng mga mamamayang Tsino. Kabilugan ng buwan sa araw na ito.

Sa kasalukuyang taon, mayroong mga sandali ng pagsasakatuparan ng pangarap ng Nasyong Tsino na tulad ng sentenaryo ng pagtatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), komprehensibong pagtatayo ng may kaginhawahang lipunan, at taon ng simula ng “Ika-14 Panlimahang-taong Plano,” bagay na nagpapakilos sa mga mamamayang Tsino.

Kung nais isakatuparan ang dakilang pangarap, dapat matapang at walang patid na magpunyagi.

Sa pamumuno ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, nakakahulagpos ang mga mamamayang Tsino sa iba’t-ibang kahirapan at walang tigil silang nagpupunyagi.

Kabilugan ng buwan at natupad na pangarap_fororder_20210921Xi6600

Noong Hulyo 1, 2021, maringal na idinaos sa Tian’anmen Square, Beijing ang selebrasyon sa sentenaryo ng pagkakatatag ng CPC. Bumigkas ng mahalagang talumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

Kabilugan ng buwan at natupad na pangarap_fororder_20210921Xi5600

Noong Nobyembre 3, 2013, nagtalakayan sina Xi Jinping, mga kadre at taganayon sa Xiangxi Tujia at Miao Autonomous Prefecture.

Kabilugan ng buwan at natupad na pangarap_fororder_20210921Xi4600

Noong Setyembre 17, 2021, matagumpay na lumapag sa Dongfeng landing site ang return capsule ng Shenzhou-12 manned spaceship.

Kabilugan ng buwan at natupad na pangarap_fororder_20210921Xi3600

Noong Hunyo 23, 2021, pumunta si Pangulong Xi Jinping sa Beijing Aerospace Control Center para makipag-usap sa telepono sa tatlong astronauts na sina Nie Haisheng, Liu Boming, at Tang Hongbo sa Tianhe core capsule.

Kabilugan ng buwan at natupad na pangarap_fororder_20210921Xi2600

Noong Enero 18, 2021, naglakbay-suri sa Beijing si Xi Jinping tungkol sa gawain ng paghahanda sa Winter Olympics at Winter Paralympics.

Kabilugan ng buwan at natupad na pangarap_fororder_20210921Xi1600

Noong Pebrero 24, 2021, naglakbay-suri si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa venue ng 2022 Beijing Winter Olympics.


Salin: Lito
Pulido: Mac
 

Koment( Komento)

Please select the login method