Kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, tinalakay ng Afghanistan at Uzbekistan

2021-10-17 12:46:25  CMG
Share with:

Nagtagpo Sabado, Oktubre 16 (local time) 2021, ang mga opisyal ng Uzbekistan at delegasyon ng pansamantalang pamahalaan ng Afghanistan para talakayin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa mga larangang gaya ng kabuhayan at kalakalan, komunikasyon, enerhiya, pinansya, at lipunan.

Bukod dito, pinag-usapan ng kapuwa panig ang tungkol sa pagpaplano at pagsasagawa ng rehiyonal na proyekto ng konstruksyon ng imprastruktura na tulad ng transisyonal na daam-bakal at linya ng paghahatid ng koryente.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method