CMG Komentaryo: Virtual meeting nina Xi at Biden, nagpadala ng malakas na signal sa Tsina’t Amerika at daigdig

2021-11-17 09:52:16  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Virtual meeting nina Xi at Biden, nagpadala ng malakas na signal sa Tsina’t Amerika at daigdig_fororder_CNUS

 

“50 taon sa hinaharap, ang pinakamahalaga sa pandaigdigang relasyon ay ang paghanap ng Tsina’t Estados Unidos ng tumpak na paraan ng pag-uugnayan.”

 

Ito ang ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang pakikipag-usap kay Pangulong Joe Biden ng Amerika sa pamamagitan ng video link na ginanap, Martes, Nobyemre 16, 2021 (Beijing/Manila time).

 

Ang pagtatagpo ng dalawang puno ng estado ay nakatawag ng pansin ng komunidad ng daigdig.

 

Karapat-dapat ding limiin ang naturang pananalita ni Xi.

 

Nasa sangandaan ang ugnayang Sino-Amerikano.

 

Sa ilalim ng situwasyong ito, ang pag-uusap nina Xi at Biden ay walang dudang nagtatakda ng direksyon ng pag-unlad ng bilateral na relasyon ng Tsina’t Amerika. Bunga nito, maiiwasan ang di-pag-uunawaan at maling pagtantya. Makakatulong din ito sa komunikasyon at kooperasyon ng Tsina’t Amerika sa hinaharap.

 

   Sa pag-uusap, ipinahayag naman ni Biden na hindi dapat sumama ang relasyong Sino-Amerikano. Inulit niya ang paninindigan ng panig Amerikano na wala itong balak na baguhin ang sistema ng Tsina, hindi rin nito balak labanan ang Tsina sa pamamagitan ng pagpapalakas ng alyansang Amerikano. Wala aniyang intensyon ang Amerika na makipagkomprontasyon sa Tsina. Hindi aniya suportado ng panig Amerikano ang di-umano’y pagsasarili ng Taiwan.

 

Bilang tugon, ipinahayag naman ng panig Tsino na kailangang tupdin ng administrasyon ni Biden ang naturang mga pangako para matamo nila ang tiwala ng mga mamamayang Tsino at komunidad ng daigdig.  

 

Sa pag-uusap, inihahambing ni Xi ang Tsina’t Amerika bilang dalawang higanteng bapor na naglalayag sa karagatan. Aniya, hindi dapat ang mga ito lumihis, tumigil sa pag-andar o magbanggaan.

 

Umaasa ang panig Tsino na tutupdin ng panig Amerikano ang diwa ng katatapos na pag-uusap ng dalawang pangulo at pahihigpitin ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa Tsina, para mapasulong ang sarili at komong pag-unlad at maisabalikat ang mga pandaigdig na responsibilidad.

 

Ito ang hinahangad ng mga mamamayan ng Tsina’t Amerika maging ng buong daigdig.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac

Please select the login method