Mga olympic charter flight, itatakbo ng Singapore Airlines

2022-01-13 16:30:38  CMG
Share with:

Mula Enero 21 hanggang Marso 16, 2022, bawat araw ay ipagkakaloob ng Singapore Airlines ang charter flight sa pagitan ng Singapore at Beijing, bilang suporta sa Beijing 2022 Winter Olympic at Paralympic Games.

 

Sa kanyang naunang mensaheng ipinalabas sa social media, ipinahayag ni S. Iswaran, Ministro ng Komunikasyon at Impormasyon ng Singapore, na sa pamamagitan ng mga olympic charter flight, ang Singapore ay siyang magsisilbing bisagrang pantrapiko ng mga tauhang kalahok sa olimpiyada mula sa rehiyong ito.

 

Ang Beijing 2022 Winter Olympics ay magiging “mainam na pagkakataon” upang mapabuti ang tao-sa-taong pagpapalitan ng Singapore at Tsina sa background ng pandemiya ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19), sinabi pa niya.

 

Ayon sa ulat, tatakbo ang mga olympic flight sa pagitan ng Beijing at Singapore, Tokyo, Hongkong, Paris at iba pang lugar.

Mga olympic charter flight, itatakbo ng Singapore Airlines_fororder_02singapore

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method