“Konsiyertong Panalubong sa Bagong Taong Tsino,” matagumpay na idinaos

2022-01-19 14:16:46  CMG
Share with:

Sa magkasamang pagtataguyod ng International Confucian Association (ICA) at ASEAN-China Center (ACC), matagumpay na itinanghal sa National Center for the Performing Arts sa Beijing nitong Martes, Enero 18, 2022 ang“Konsiyertong Panalubong sa Bagong Taong Tsino.” 

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Jia Deyong, Pangkalahatang Kalihim ng ICA, na patuloy na nagsisikap ang ICA kasama ng iba’t-ibang sirkulo upang mapalaganap ang sibilisado at nagkakaibang ideya. 

Sa kanya namang mensahe, ipinahayag ni Chen Dehai, Pangkalahatang kalihim ng ACC, na dapat patuloy na patingkarin ang positibong papel ng ACC para mapasulong ang pagpapalitang pangkultura sa pagitan ng Tsina at ASEAN.

Dumalo sa nasabing aktibidad ang mga kinatawan mula sa mga dayuhang embahada sa Tsina na kinabibilangan ni Mr. Dinno M. Oblena, Deputy Chief of Mission and Minister ng Embahada ng Pilipinas sa Tsina, at iba pa.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method