Mga pagkaing donasyon ng Tsina, ipinamimigay na sa Afghanistan

2022-01-23 14:41:34  CMG
Share with:

Mula noong Enero 22, 2022, nagsimulang ipamigay ng Ministri ng mga Suliranin ng Refugee ng pansamantalang pamahalaan ng Afghanistan ang mga pagkaing donasyon ng pamahalaang Tsino sa 34 na probinsya ng bansa.

Ayon sa pamahalaang Afghan, maraming makataong tulong na materyal ang ipinagkaloob ng Tsina sa bansa at lubos na nagpapasalamat ang Afghanistan sa mga ito.

Kasalukuyang kinakaharap ng bansa ang malubhang makataong krisis.

Ayon sa pagtaya ng United Nations (UN), sapul noong Nobyembre ng nagdaang taon, halos 22.8 milyong Afghan (mahigit sa kalahati ng populasyon ng bansang ito) ang nahaharap sa malubhang problema ng kaligtasan ng pagkain.

Samantala, ipinatalastas noong Setyembre 2021 ng pamahalaang Tsino ang pagkakaloob ng mga pangkagipitang makataong tulong sa Afghanistan na kinabibilangan ng mga pagkain, materyal, bakuna kontra sa Corona Virus Disease 2019 (COVID19), medisina at iba pa, na nagkakahalaga ng 200 milyong yuan RMB.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method