Amerika, pinauwi ang kapamilya ng mga tauhan nito sa embahada sa Ukraine

2022-01-23 14:43:58  CMG
Share with:

Ayon sa Fox News Enero 22, 2022, ipinag-utos ng Kagawaran ng Estado ng Amerika ang pagpapauwi, sa loob ng 24-oras sa mga kamag-anakan ng mga tauhan ng embahadang Amerikano sa Ukraine.

Kasabay nito, ipinatalastas ng embahadang Amerikano sa Ukraine na nakarating na sa bansa, madaling araw ng Enero 22 ang unang pangkat ng materyal at munisyon na tulong ng Amerika.

Bukod pa riyan, ipinahayag ng isang opisyal Amerikano na sa susunod na linggo, hihikayatin ng Amerika ang mga Amerikano na sumakay ng commercial flight para umalis ng Ukraine.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method