Palagay ng 72% Amerikano: Amerika, tumatahak sa maling direksyon

2022-01-24 16:21:46  CMG
Share with:

Ayon sa poll na inilabas Enero 23, 2022 ng National Broadcasting Corporation ng Estados Unidos, ipinalalagay ng 72% menor de edad na Amerikano na tumutungo ang bansa sa maling direksyon.
 

Ayon pa rito, kinasusuyaan naman ang mga pulitikong kinabibilangan nina Pangulong Joe Biden, Pangalawang Pangulong Kamala Harris at Ispiker Liz Cheney.
 

Tinukoy rin ng poll na sa tingin ng 70% ng mga Amerikano, sumasailalim sa polarisasyon ang bansa, hindi malulutas ang mahahalagang problemang kinakaharap ng bansa, at lalo pang lalawak ang alitan.
 

Dagdag pa riyan, inihayag din ng 76% ng mga respondent na mayroong banta sa demokrasya ng kanilang bansa.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method