CMG Komentaryo: Mga pulitikong Lithuanian na lumikha ng kaguluhan, gising na!

2022-01-25 16:01:07  CMG
Share with:

Ayon sa ulat kamakailan ng maraming media, sanhi ng maigting na relasyon sa Tsina na dulot ng paghamon ng mga pulitikong Lithuanian sa simulaing Isang Tsina, malubhang naapektuhan ang mga kompanya sa loob ng Lithuania at mga kompanyang pinamumuhunanan ng mga bansa ng Unyong Europeo (EU) sa Lithuania. Tinaya ng personahe ng sirkulong komersyal na umabot sa ilandaang milyong Euro ang kapinsalaan ng buong industriya.
 

Sa kasalukuyan, walang patid na nagrereklamo ang maraming kompanya sa mga pulitikong Lithuanian na nanggugulo sa kalagayan, at hinihimok nila ang pamahalaan na pabutihin ang relasyon sa Tsina sa lalong madaling panahon.

CMG Komentaryo: Mga pulitikong Lithuanian na lumikha ng kaguluhan, gising na!_fororder_20220125Lithuania

Ipinakikita ng isang poll noong katapusan ng nagdaang taon na bumaba sa 17.3% ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan ng Lithuania. Ayon sa namamahalang tauhan ng poll agency, pinakamababa ang nasabing datos sapul nang itatag ang bansa, at ito ay may mahigpit na kaugnayan sa paglamig ng relasyong Sino-Lithuanian.
 

Dapat malinaw na batid ng mga nanggugulong pulitikong Lithuanian na hinding hindi mahahadlangan ang pangkalahatang tunguhin ng pagsasakatuparan ng Tsina ng reunipikasyon; at hindi katanggap-tanggap ang pangmamaliit sa matatag na determinasyon, matibay na mithiin at malakas na kakayahan ng mga mamamayang Tsino sa pagtatanggol ng soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa. Ang dapat gawin nila ay bumalik sa  tumpak na landas sa lalong madaling panahon, pabutihin ang relasyong sa Tsina sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, at bigyan  ng responsableng paliwang ang mga kompanya at mamamayan ng bansa na dumanas ng kapinsalaan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method