Tatlong karagdagang pangkat ng pangkagipitang saklolo, ipagkakaloob ng Tsina sa Tonga

2022-01-25 16:16:50  CMG
Share with:

Isinalaysay nitong Lunes, Enero 24, 2022 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na laging pinag-uukulan ng panig Tsino ng pansin ang kalagayan ng Tonga, at ipinasiyang muling ipagkaloob sa Tonga ang tatlong pangkat ng karagdagang pangkagipitang saklolo.
 

Kabilang dito ay ika-2 pangkat ng relief supplies na nagkakahalaga ng 20 milyong yuan RMB, at isa pang pangkagipitang makataong saklolo na salapi.
 

Bukod dito, sa pamamagitan ng Embahada ng Tsina sa Fiji na malapit sa Tonga, agad-agad na nangalap ang panig Tsino ng isang pangkat ng emergency supplies na nagkakahalaga ng 1 milyong yuan. Ipinadala na ang mga ito sa Tonga, sa pamamagitan ng bapor.
 

Dagdag ni Zhao, patuloy na ipagkakaloob ng panig Tsino ang tulong sa abot ng makakaya para sa relief work at rekonstruksyon ng Tonga, batay sa kalagayan ng kalamidad at pangangailangan ng panig Tongan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method