Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-6 na linggo ng kultura ng mga kababaihan ng Tsina at Rusya, binuksan

(GMT+08:00) 2010-06-05 17:00:05       CRI

Binuksan kahapon sa Moscow ang ika-6 na linggo ng kultura ng mga kababaihan ng Tsina at Rusya at ika-4 na porum ng kababaihan ng Tsina at Rusya. Lumahok dito sina Sergei Mironov, pangulo ng Federation Council ng Rusya, Chen Zhili, pangalawang tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC at pangulo ng All-China Women's Federation, at Li Hui, embahador ng Tsina sa Rusya, at magkakahiwalay silang bumigkas ng talumpati.

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Mironov ang mainit na pagtanggap sa pagdaraos ng linggo ng kultura at porum. Sinabi niyang ang pagpapaunlad ng estratehikong relasyong pangkoordinasyon sa Tsina ay isa sa mga pinakamahalagang priyoridad na direksyon ng patakarang panlabas ng Rsuya. Ang pangmatagalang kooperasyon ng mga kababaihan ng Tsina at Rusya ay nagbibigay ng mahalagang ambag para sa pagpapalalim ng pagkakaibigan at paguunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Tinukoy naman ni Chen Zhili na sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng mga mamamayan ng dalawang bansa, naitatag ng Tsina at Rusya ang isang situwasyong pangkooperasyon na may maraming antas at larangan. Ang relasyon ng dalawang bansa ay pumasok sa landas ng komprehensibo, mabilis at malalim na pag-unlad. Kasabay nito, walang humpay na umuunlad ang pangkaibigang pagpapalitan at aktuwal na kooperasyon sa pagitan ng mga kababaihan ng dalawang bansa, at walang humpay na tumataas ang saklaw, kalaliman at kalidad nito. Bilang isa sa mga proyekto ng pagpapalitan sa antas ng estado, ang linggol ng kulturan ng mga kababaihan ng Tsina at Rusya ay naging isang mahalagang plataporma ng pagpapalitan sa larangang pangkultura, partikular na isang mahalagang plataporma ng pagpapalitan ng mga kababaihan ng Tsina at Rusya.

Salin:Sarah

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>