Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Malawakang pagtitipun-tipon sa Pyongyang: dapat puspusang pataasin ang lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan

(GMT+08:00) 2011-01-04 18:09:54       CRI

Nagtipun-tipon kahapon sa Kim Il-sung Square sa Pyongyang, kabisera ng Hilagang Korea, ang 100 libong mamamayan at nagpahayag silang dapat puspusang paunlarin ang light industry at masipag na pataasin ang lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan.

Ayon sa ulat ng North Korean Central News Agency, sinabi sa pagtitipun-tipon ni Moon Kyung Duk, kalihim ng Komite Sentral ng Workers' Party ng Hilagang Korea, na aktibong tutugunin ng Pyongyang ang panawagan ng Worker's Party hinggil sa pagpapabilis ng pag-unlad ng light industry at pagpapataas ng lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan. Dagdag niya, pabibilisin din ang isinasagawang konstruksyon ng 100 libong pabahay para mapaganda ang Pyongyang.

Ipinahayag naman ng mga kinatawan ng iba't ibang sirkulo ng Hilagang Korea na buong lakas na pauunlarin ang light industry at pasisiglahin ang produksyon ng consumer products.

Salin: Vera

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>