Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tropa ng Thailand at Cambodia, naganap muli ang sagupaan

(GMT+08:00) 2011-02-05 16:25:39       CRI

Naganap kaninang madaling araw sa rehiyon ng Preah Vihear ang sandatahang sagupaan sa pagitan ng mga tropa ng Cambodia at Thailand. Kinunpirma kahapon ni tagapagsalita Sansern Kaewkanmerd ng tropang panlupa ng Thailand na ang sagupaang ito ay ikinamatay na ng isang sundalong Thai at ikinasugat ng 4 na sundalo.

Sinabi ni Sansern na sa kasalukuyan, sinimulan na ang pag-uugnayan ng panig militar ng dalawang bansa para hanapin ang tumpak na paraan para maiwasan ang bagong sagupaan.

Pagkaraang maganap kahapon ang sagupaan sa rehiyon ng Preah Vihear sa pagitan ng mga tropa ng Cambodia at Thailand, ito ang isa pang pagpapalitan ng putok ng dalawang panig. Kahapon ng hapon, naganap sa naturang rehiyon ang sandatahang sagupaan ng dalawang panig na tumagal ng mahigit tatlong oras, at ito'y ikinamatay ng isang sibilyan at ikinasugat ng limang sundalo.

Nagpalabas na ang Ministring Panlabas ng Cambodia ng proklamasyong nagsasabing matapat na umaasa ang kaniyang bansa na malulutas ang alitang panghanggahan nila ng Thailand sa mapayapang paraan. Sinabi naman ng pangalawang PM ng Cambodia na magharap ang kaniyang pamahalaan ng reklamo sa UN Security Council hinggil sa insidente ng pagsalakay ng Thailand sa Cambodia.

Salin: Li Feng

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>