
Ayon sa pinakahuling bilang na ipinalabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council(NDRRMC) ng Pilipinas, hanggang kamakalawa, 50 katao na ang namatay, 40 ang nasugatan, at 25 iba pa ang nawawala dahil sa bagyong Juaning. Samantala, naapektuhan din ng naturang bagyo ang 968 libong residente sa 20 iba't ibang lalawigan ng bansa, at mga 350 libo naman ang pansamantalang tumutigil sa mga relocation area.
Ang Pilipinas ay bansang madalas na daanan ng bagyo at kada taon, mahigit 20 ulit ito nasasalanta na nagdudulot ng malaking kapinsalaan sa buhay at ari-arian.