|
||||||||
|
||
Sa katatapos na Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Summit, nangako ang mga kalahok na miyembro na magsagawa ng mga konkretong hakbangin para ibayo pang mapahigpit ang ugnayang pangkabuhayan ng rehiyon para makinabang dito ang lahat ng mga kasapi.
Bago magtapos ang ika-19 na APEC Summit, isinapubliko ng mga kalahok na lider ang dokumentong may pamagat na "Honolulu Declaration--Toward a Seamless Regional Economy".
Pinahahalagahan ng Deklarasyon ang ibayo pang pagpapasulong ng liberalisasyon ng kalakalan para mapanumbalik ang kabuhayang pandaigdig. Ipinalalagay rin nito na ang pagkakalakalan at pamumuhunan ay nagsisilbing susi para mapasulong ang hanap-buhay at ekonomiya ng iba't ibang economy at napakahalaga ng pagpapalalim ng integrasyong pangkabuhayan ng rehiyon para sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |