|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||

LABI NI CARDINAL SANCHEZ BINASBASAN. Nakatayo si Cebu Archbishop Emeritus Ricardo J. Cardinal Vidal samantalang naghihintay na basbasan ang labi ng yumanong Jose Tomas Cardinal Sanchez matapos ang Misa sa Cathedral-Shrine of the Good Shepherd sa Diocese of Novaliches kaninang tanghali.
INIHATID na sa huling hantungan ang yumaong Jose Tomas Cardinal Sanchez na pumanaw noong Biyernes, ika-siyam sa buwan ng Marso. Inilibing ang namayapang cardinal sa isang bahagi ng Cathedral-Shrine of the Good Shepherd sa Diocese of Novaliches sa Quezon City bago ng katanghalian.
Tumagal ang Misa ng higit sa karaniwang isang oras. Ang Misa na pinamunuan ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo J. Cardinal Vidal ay dinaluhan ng may 40 mga Obispo mula sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.
Ayon kay Cardinal Vidal, isang madasaling alagad ng Diyos ang namayapang Cardinal Sanchez na malaking tulong sa kampanya ng simbahan laban sa Reproductive Health bill. Si Cardinal Sanchez ang ikalimang cardinal ng Pilipinas.
Naging concelebrants sina Archbishop Guiseppe Pinto na Dekano ng Diplomatic Corps at Manila Archbishop Luis Antonio Gokim Tagle.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |