Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga estudyenteng Filipino: nag-enjoy ng pag-aaral ng Mandarin sa Beijing

(GMT+08:00) 2012-05-11 19:16:30       CRI

Noong isang linggo, ibinahagi namin sa inyo ang kuwento ni Ariel Diccion -- isang Pilipino na nagtuturo ng Tagalog sa Peking University sa Tsina. At para sa episode ngayong gabi, inyong maririnig ang nakatutuwang karasanan ng ilang estudyenteng Pilipino na nag-aral ng wikang Tsino dito sa Beijing.

Sina Kenneth Hungchiuming sa kaliwa, Richmoune Sy sa gitna, at Jarvi Celeres sa kanan

Ang Xavier School ay isa sa mga kinikilalang Chinese School sa Pilipinas. Taon-taon, inihahandog nito ang programa ng paghuhubog sa linguwahe at kultura para sa mga high school students. Ngayong tag-init, may 59 na kabataan ang lumipad patungong Beijing para lumahok sa program. Sa halos 6 na linggong pananatili sa Tsina, nag-aral ang mga bagets edad 16 hanggang 17, hindi lamang ng wikang Mandarin, kundi maging ng kaalaman tungkol sa Tsina.

Kinapanayam namin ang tatlo sa mga kabataang ito. Sila ay sina Kenneth Hungchiuming, Richmoune Sy, at Jarvi Celeres. Pakinggan natin ang kanilang experiences.

Mga pariralang pinili ni Kenneth Hungchiuming

 Mga pariralang ikinuwento ni Richmoune Sy

Salamat sa programa na Xavier China Experience, may pagkakataon ang mga estudyente na makakilala at maka daupang palad ang mga kaibigang Tsino, at maramdaman ang tunay na kultura, kaugalian, at paraan ng pamumuhay dito sa Tsina. Mabungang mabunga ang natamong progreso ng mga estudyenteng Pilipino, at nag-aral sila ng ilang praktikal at nakatutuwang parirala na hindi makikita at matututunan sa anumang aklat.

Mga pariralang na isinalaysay ni Jarvi Celeres

Kung mayroon kayong kuru-kuro o mungkahi tungkol sa aming programa, huwag po mag-atubiling mag-iwan ng mesahe sa aming website na filipino.cri.cn., o magpadala ng text messages sa numerong 0921-2572397. Sa mga kabarkada sa facebook, ipaki-click lamang po ang "like" button sa aming facebook page na crifilipinoservice para magkaroon po kayo ng updates sa aming mga programa.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>