Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

RAMIL CUETO: Aktibong Miyembro ng Komunidad ng mga Pilipino

(GMT+08:00) 2012-05-17 18:49:03       CRI

Ang aming episode ngayong gabi ay tungkol sa isang volunteer na hindi ipinagdadamot ang kanyang oras at buong puso nyang sinusuportahan ang makabuluhang mga adhikain at proyekto ng Philippine Embassy. Hatid namin sa inyo ang karanasan ni Ginoong Ramil Cueto bilang aktibong miyembro ng Filipino Community dito sa Beijing.

Si Ramil Cueto at ang mga batang Tsino, naglaro sa Ni Hao Philippines

Nakilala namin si Ramil Cueto sa Ni Hao Philippines, isang cultural program ng Philippine Embassy dito sa Beijing na naglalayong ipakilala ang kultura, mga kaugalian at ang wikang Filipino sa mga kabataang Tsino. Sa naturang dalawang araw na aktibidad, nagboluntaryo na maging isa sa mga team leader si Ramil, at madaling naka-relate sa kanya ang mga kabataang Tsino. Sinabayan nya ang mga bagets sa pag-awit, pagsayaw at paglalaro, at dahil dito naging malapit sila, kahit sya ay isang dayuhan at magkaiba ang kanilang kultura at wika.

Sa katunayan, madalas na sumasali si Ramil sa mga aktibidad ng Embahadang Pilipino sa Tsina. Ang "Proud to be Pinoy" ay isa sa mga aktibidad na ito.

Ang "Pround to be Pinoy" ay isang youth camp na itinaguyod ng Embahada ng Pilipinas sa Tsina para sa mga kabataang Pinoy na namumuhay dito sa Beijing. Marami sa mga kabataang ito ang lumaki na dito, walang kaibigang Pinoy at kaunti ang kaalaman tungkol sa Pilipinas. Sabi ni Ramil na sa pamamagitan ng ganitong youth camp, nalaman ng mga kabataang Pinoy na nakatira sa Tsina na maraming bagay tungkol sa kanilang inang-bayan ang karapat-dapat na ipagmalaki nila.

Isang green entrepreneur si Ramil Cueto. Ang gawain niya ay may kinalaman sa 3 larangan na gaya ng agrikultura, renewable energy at pangangalaga sa kapaligiran. Sa panahon na maugong na pinag-uusapan ang climate change at maigting ang panawagan para alagaan ang inang kalikasan, importante ang ang trabaho ng isang "environmental worker."

Si Ginoong Ramil Cueto

Sa tingin niya, marami ang ginagawa ng pamahalaang Tsino sa pangangalaga sa kapaligiran, pagtitipid ng enerhiya at food efficiency.

Walong taong nang nakatira sa Tsina si Ginoong Cueto. Syempre, may mga tips siya sa mga kaibigang Pinoy na gustong bumisita o magsimula ng bagong pamumuhay dito sa Tsina.

Kung mayroon kayong kuru-kuro o mungkahi tungkol sa aming programa, huwag po mag-atubiling mag-iwan ng mesahe sa aming website na filipino.cri.cn., o magpadala ng text messages sa numerong 0921-2572397. Sa mga kabarkada sa facebook, ipaki-click lamang po ang "like" button sa aming facebook page na crifilipinoservice para magkaroon po kayo ng updates sa aming mga programa at ibat-ibang aktibidad.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>