Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

JUN DELGADO: Gawi ng Isang Mabuting "Laowai"

(GMT+08:00) 2012-06-07 17:56:30       CRI

Briton nahuli sa akto ng pangmomolestya, binugbog ng mga nakakita.

Ruso nambastos sa tren, sibak sa Beijing Symphony Orchestra.

Ang mga balitang ito ay naiulat ng media at mainiit na tinatalakay ng mga netizen. Maugong ang diskusyon sa kasalukuyan tungkol sa mga dayuhan, lalo pa't kung magaspang ang kanilang ugali at walang paggalang.

Pero lumantad din ang ilang kwento ng kadakilaan tulad ng French Fry Brother sa Nanjing, ito ay tungkol sa isang Amerikano na nagbigay ng french fries sa isang pulubi. Andyan din ang matulunging Brazilian na niligtas ang isang babaeng Tsino sa mga mugger, matapos nito sya ang napagbalingan at binugbog ng mga salarin.

Ito ang dalawang mukha ng mga dayuhan sa Tsina. Kaya naman di nakapagtataka kung ang lipunang Tsino ay may magkahalong damdamin sa pagtanggap ng mga dayuhan o laowai.

Dr. Jun Delgado

Para sa episode ngayong gabi ng Mga Pinoy sa Tsina hatid namin ang panayam kay Dr. Jun Delgado na higit isang taon ng naninirahan sa Shenyang. Napag-kwentuhan namin ang mainam na paraan para maging masaya ang pamumuhay sa Tsina at kung paano magiging mabuting "laowai."

Narito po ang aming panayam sa kanya.

Kinapanayam ni Machelle si Dr. Delgado

Kung mayroon kayong kuru-kuro o mungkahi tungkol sa aming programa, huwag po mag-atubiling mag-iwan ng mesahe sa aming website na filipino.cri.cn., o magpadala ng text messages sa numerong 0921-2572397. Sa mga kabarkada sa facebook, ipaki-click lamang po ang "like" button sa aming facebook page na crifilipinoservice para magkaroon po kayo ng updates sa aming mga programa at ibat-ibang aktibidad.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>