"Maaring malutas ng Tsina at Pilipinas ang isyu ng Huangyan island sa pamamagitan ng direktang diyalogo, at hindi kailangan ang pakikialam ng ibang panig." Ito ang ipinahayag kamakailan ni Jose de Venecia, dating Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Pilipinas.
Idinagdag niya na ang isinasagawang fishing ban ng Tsina at Pilipinas ay makakabuti sa pagpapahupa ng maigting na situwasyon sa rehiyong ito.
Aniya, ang mungkahi hinggil sa pagsasaisang-tabi ng pagkakaiba at magkasamang paggagalugad, na iniharap ni yumaong lider Tsino Deng Xiaoping, ay makakatulong sa paglutas sa alitan ng dalawang bansa sa South China Sea.