|
||||||||
|
||
Sa Phom Phen, Kambodya, kinatagpo dito kahapon ni Haring Norodom Sihamoni ng Kambodya si He Guoqiang, dumadalaw na Pirmihang Kagawad ng Politburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina.
Sinabi ni He na pinahahalagahan ng panig Tsino ang pagpapatibay at pagpapalakas ng tradisyonal na pagkakaibigan nila ng Kambodya, at nakahandang mataimtim na tupdin, kasama ng panig Kambodyano, ang komong palagay na narating nina Pangulong Hu Jintao ng Tsina at Haring Sihamoni, panatilihin ang pagdadalawan sa mataas na antas, palalimin ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, palawakin ang pagpapalitan sa tauhan at kultura, palakasin ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, at walang humpay na pataasin ang komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partnership ng dalawang bansa sa mas mataas na lebel.
Binigyan naman ni Haring Sihamoni ng mataas na pagtasa ang kasalukuyang pagdalaw ni He. Nananalig aniya siyang mapapatingkad ng naturang pagdalaw ang bagong kasiglahan sa ibayo pang pag-unlad ng relasyong Sino-Kambodyano.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |