|
||||||||
|
||
Kaugnay ng pinakahuling pananalita ni Pangulong Benigno Aquino III hinggil sa realsyong Sino-Pilipino, binigyang-diin dito sa Beijing kahapon ni Tagapagsalita Liu Weimin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na batay sa batas ng Pilipinas, maraming beses nang tiniyak ng panig opisyal ng Pilipinas, na ang Huangyan Island ay hindi nabibilang sa teritoryo ng Pilipinas, at ang United Nations Convention on the Law of the Sea ay hindi isang pandaigdigang batas na tumitiyak sa teritoryo ng isang bansa. "Walang duda, nabibilang sa teritoryo ng Tsina ang naturang isla," aniya.
Sa kanyang pagdalo sa aktibidad ng isang samahang Tsino, ipinahayag kahapon ni Aquino, na dapat tuluy-tuloy na palakasin ng Tsina at Pilipinas ang kooperasyon, at kailangang magpokus ang dalawang panig sa mapayapang paghawak sa insidente ng Huangyan Island. Aniya, malinaw na nakatakda sa batas ng Pilipinas at pandaigdigang batas ang teritoryo at rehiyong pandagat ng bansa. Dapat din aniyang igalang ng Pilipinas at Tsina ang soberanya ng isa't isa, batay sa pandaigdigang batas.
Kaugnay ng naturang pananalita ni Aquino, ipinahayag ni Liu na umabot na sa pansin ng panig Tsino ang pahayag ni Pangulong Aquino sa pagpapahalaga ng relasyong Sino-Pilipino. Pinahahalagahan din aniya ng panig Tsino ang pagpapa-unlad ng relasyong ito, at umaasa siyang magkasamang magsisikap ang kapuwa panig para mapasulong ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Salin:Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |