|
||||||||
|
||
Ang Mirth of the Islands Photo Exhibit ay proyekto na naisakatuparan sa pagtutulungan ng Philippine Embassy, Pinoy Overseas Photographers Beijing, Cebu Pacific at ng Lokal ng Pamahalaan ng Tacloban, Leyte.
Mirth of the Islands Photo Exhibit--Larawan ni Owen Tiam
Mga larawang itinanghal sa exhibit
Naitampok na namin ang grupong POP Beijing sa programang ito ilang linggo na ang nakakaraan. Pero magbalik tanaw tayo at alamin kung paano nagsimula ang grupo.
Ibinahagi naman ni Andreu Pardales kung ano ang mithiin ng Mirth of the Islands. Pakinggan natin kung bakit di lang isang ordinaryong photo assignment ang naganap sa probinsya ng Leyte at Samar.
Si Dom Cui, isa sa anim na photographers ng exhibit
Kabilang si Dom Cui sa anim na photographers ng exhibit. At nakakatawag pansin ang mga kuha nya sa gitna ng pagdiriwang ng Pintados Festival at pamamasyal niya sa mga di kilala pero napaka gandang mga lugar sa Kabisayaan.
Mga miyembro ng POP Beijing
Lahat ng mga miyembro ng POP Beijing ay abala sa kani kanilang mga trabaho. Pero sa kabila nito naglaan sila ng panahon, para sa ganitong proyekto. At ang bunga – matapos ibuhos ang galing at talento ay mga larawang patunay sa walang katulad na buhay Pinoy.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |