|
||||||||
|
||
Anang Philippine media, noong ika-20 ng buwang ito, nabangga sa dakong hilaga ng Scarborough Shoal o tinatawag na Huangyan Island sa Tsina, ang isang bapor pangisda ng Pilipinas na humantong sa pagkamatay ng isang mangingisda at pagkawala ng 4 iba pa. Anang balita, sinabi di-umano ng mga nailigtas na mangingisdang Pilipino, na nabangga sila ng bapor na Tsino.
Kaugnay nito, sinabi ni Zhang, na pagkaraang nabasa ang ulat na ito, agarang tinagubilinan ng embahada ang mga may kinalamang departamento sa Tsina. Pero, ayon sa pinakahuling ulat, wala pang natanggap na ulat hinggil sa ganitong aksidente o SOS request sa petsa at lugar na iniulat ng media ng Pilipinas.
Ipinahayag din ni Zhang, na gustong malaman ng panig Tsino kung ano ang batayan ng mga media ng Pilipinas sa pagpapalabas ng balitang ito. Dagdag niya, dapat munang patunayan ng mga may-kinalamang tauhan, batay sa responsableng atityud, ang naturang pangyayari, bago ito iulat sa media.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |