|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kung ikaw ang papipiliin, ano ang gusto mo, maagang pagreretiro o huling pagreretiro?

Sa kasalukuyang Tsina, hindi pa puwedeng pumili ng sariling retirement age. Ang tamang edad ng pagreretiro para sa mga kalalakihan ay 60 taong gulang; para naman sa mga kababaihan, 55 taong gulang o 50 taong gulang. Pero, isa ngayong mainit na talakayan ang flexible retirement dito sa Tsina. At posibleng pagtuunan ng pansin ng pamahalaang Tsino ang isyung ito sa hinaharap.

Natuklasan ng pamahalaan ang isang realistikong problema. Ayon sa annual pension report for 2011, kulang na ang pension funds ng 14 na lalawigang Tsino, at ang deficit nito ay halos 70 bilyong Yuan RMB o 11 bilyong dolyares.
Dahil sa pagdami ng matatanda sa Tsina. Dumarami nang dumarami ang mga matatanda, at hindi sapat ang pensyon para sa kanila. Sa Tsina, mga 167 milyong matatanda na ang nasa edad 60 taong gulang pataas at hanggang sa 2020, magiging 248 milyon ang bilang na ito. Mas magiging malubha ang problemang ito.
Iba't iba ang reaksyon ng mga tao hinggil dito. Ayon sa isang imbestigasyon ng People's Daily Online, 78.5% ng mga netizens nito ay tutol sa pagpapaliban ng retirement age at pagkuha ng pensyon. Anila, dahil ito ay magdudulot ng kahirapan sa paghahanap ng hanap-buhay ng mga mga bagong graduweyt. Samantala, 10.6% naman ang kumakatig dito, dahil ito anila ay paraan ng pagpapababa ng gastos ng pension funds.

| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |