Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, nagpalabas ng SONA

(GMT+08:00) 2012-07-24 19:37:52       CRI

Ipinalabas kahapon ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ng Pilipinas ang ika-3 State of the Nation Address o SONA sa loob ng kanyang termimo. Sa kasalukuyang SONA, nagsilbing pokus ng tagalabas ang nilalamang may kinalaman sa South China Sea. Pinag-uukulan naman ng iba't ibang sirkulo ng Pilipinas ang paksa ng paglaban sa korupsyon at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan

Ayon sa datos ng SONA, noong isang taon, natamo ng pamahalaan ni Aquino ang mainam na progreso sa aspekto ng pagpapaunlad ng kabuhayan. Noong unang kuwarter ng taong ito, umabot na sa 6.4% ang paglaki ng kabuhayan nito, na pinakamabilis sa mga bansang ASEAN.

Kahit binigyang-diin ng kasalukuyang SONA ang natamong bunga ng pamahalaan ni Aquino sa aspekto ng pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan at pagpapasulong ng hanap-buhay, hindi ikinasisiya ito ng ilang mamamayang Pilipino. Kaalinsabay ng pagkalabas ng SONA, nagtipun-tipon ang maraming demonstrador bilang protesta sa pagpapaganda at pagpapalaki ni Aquino ng natamong bunga ng kanyang pamahalaan.

Kaugnay ng isyu ng paglaban sa korupsyon, inulit ng naturang SONA na hinding hindi pinahihintulutan ang alinmang korupsyon ng mga dating pamahalaan, at ginagawang pangmatagalang tungkulin ang paglaban sa korupsyon.

Binanggit din ng kasalukuyang SONA ang isyu ng South China Sea. Kumpara sa mga SONA noong dati, may ilang bagong katangian ang nilalaman sa aspektong ito. Una, pinaghiwalay ng SONA ang mga nilalaman hinggil sa alitan ng Tsina at Pilipinas sa karagatang ito at nilalaman hinggil sa pagpapalakas ng Pilipinas ng puwersang militar; at ika-2, mas matigas kaysa noon ang paninindigan ng pamahalaan ni Aquino. Kasabay nito, iniharap ni Aquino ang plano ng paghanap ng kalutasan, kasama ng mga kaalyado nito, bagay na salungat sa diwa ng "Declaration on the Conduct of Parties in South China Sea". Lumalabag din ito sa komong palagay ng komunidad ng daigdig na hindi kinakailangan sa isyu ng South China Sea ang pakikisangkot ng ika-3 panig.

Bukod dito, ipinaratang ng SONA sa matigas na pakikitungo ng Tsina ang alitan ng dalawang bansa sa South China Sea, at hindi binanggit ang katotohanang ang alitang ito ay sinimulan, pinalaki at pinasalimuot ng panig Pilipino nang pikit-mata sa kabaitang ipinakikita ng panig Tsino.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>