Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Malinis na pampublikong palikuran, simbolo ng maunlad na bayan

(GMT+08:00) 2012-08-03 15:50:41       CRI

May isang kasabihan, paramalaman mo ang lebel ng sibilisasyon ng isang lunsod, pumunta ka sa mga pampublikong palikuran nito.

Ang mga pampublikong palikuran ay nagpapakita ng lebel ng kamalayan ng lunsod at kalidad ng kaalaman ng mga sibilyan doon.

Kamakailan, ipinalabas ng lokal na pamahalaan ng Beijing ang isang regulasyon hinggil sa kalinisan ng mga pampublikong palikuran. Ayon sa naturang regulasyon, ang mga pampublikong palikuran ay kailangang malinis at mabango, may toilet paper, may hugasan ng kamay, maayos ang mga signage at pasilidad, at ang pinakakawi-wili ay hindi dapat lumapas sa 2 ang bilang ng mga langaw.

Dalawa ang five-star public comfort room sa Guangzhou. Sinasaklaw ng dalawang ito ang lugar na may lawak na mahigit 500 metro kuwadrado.Sa paligid ng mga ito ay itinanim ang mga tulips, kaya hindi ito mabaho. May aircon at magandang musika. Ang sahod ng mga tagalinis doon ay mga 4 libong Yuan RMB. Ito ay ilang ulit na mas malaki kaysa sa mga tagalinis ng mga karaniwang pampublikong palikuran.

Ang pagpapahalaga sa kalinisan ng mga pampublikong palikuran ay nagpapakita ng pag-unlad sa kamalayan at disipilina ng lipunan.

Ano ang karaniwang situwasyon ng mga karaniwang pampublikong palikuran dito sa Tsina?

Isang kapansin-pansing problema ang kakulangan sa mga pampublikong palikuran sa mga lunsod. Dagdag pa riyan, palagiang ginagamit ng mga tao ang mga comfort room sa mga mall, restawran, parke, at iba pang lugar.

Ang isa pang problema ng mga pampublikong palikuran ay kalinisan. Sa kasalukuyan, dahil libre ang paggamit sa mga ito, hindi masayadong napagtutuunan ng pansin ang kalinisin, at nagiging madumi at mabaho ang mga ito, lalong lalo na, sa mga lumang komunidad o mga maliit na lunsod.

Bukod sa pagpapakikita ng lebel ng kamalayan ng lunsod, ang mga pampublikong palikuran ay may mahigpit na kaugnayan sa kalusugan ng mga mamamayan. Ang maayos na pamamahala sa mga ito ay may positibong epekto sa pangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayan. Kapag malinis ang mga pampublikong palikuran, malayo sa sakit ang mga mamamayan.

Kaya, dapat umaksyon ang pamahalaan para mapabuti ang situwasyon ng mga pampublikong palikuran.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>