|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||

Baha sa Beijing
Kasalukuyang nakakaranas ang mga Tsino ng di-karaniwang tag-init, dahil kahit nasa kasagsagan ngayon ng tag-init ang Beiing, nagkakaroon ng di-inaasahang malalakas na tag-ulan na nagpapalubog sa ilang mga lugar ng lunsod. At dahil din sa mga bagyo, maging ang ilang mga lugar sa Tsina ay nakakaranas din ng malalakas na pag-ulan. Para sa mga lunsod na malapit sa dagat, tulad ng Maynila, kahit paano ay may mga nagagawang paghahanda ang mga tao at pamahalaan kapag may mga baha. Pero, para sa isang inland city na katulad ng Beijing, na hindi madalas dalawin o hindi binabaha, ito ay nagdulot ng maraming di-inaasahang bagay.
The 20-hour storm that hit Beijing on Saturday (21st, July) claimed the lives of at least 79 people。
The southwestern district of Fangshan was the hardest hit. Of the 56,933 people evacuated in the city, 20,990 came from Fangshan.
The rainfall reached 460 millimeters in the district, the highest ever recorded, according to the government. In the rest of Beijing, the average was 170 mm, the highest since 1951.
The Juma River, which runs across Fangshan, flooded and its maximum volume reached 2,500 cubic meters per second, a flow rate "rarely recorded", according to the Beijing government. Few Fangshan residents were prepared for the downpour, which occurred almost without warning.
Walang babala, biglang nakaranas ang mga tao sa Beijing ng pinakamalakas na ulan at baha nitong nakalipas na 61 taon.
Tingnan natin kung anu-ano ang mga bagay-bagay na nangyari kasunod ng pagbaha sa Beijing:
1. Dahil sa mahinang sistema ng drainage sa sentro ng lunsod, binaha ang mga lansangan, subway station, daam-bakal.
Itinigil ang takbo ng mga subway at train.Nai-postpone ang mga flights, at na-trap ang mga taong pauwi galing sa kani-kanilang mga trabaho .
2. Binaha ang karamihan sa mga first floor ng mga gusali, hindi lumabas ang maraming residente noong hapon at gabing iyon.
3. Dahil sa hindi mabuting kalidad ng pagkakagawa, madaling nasira ang ilang bahagi ng mga lansangan sa Beijing. Nagkaroon din ng mga butas ang mga kabahayan at gusali.
4. Dahil kulang sa kaalaman ang mga residente hinggil sa kung ano ang gagawin kung may baha, nagkaroon ng maraming kasuwalti. Namatay ang isang tsuper sa loob ng sariling kotse, dahil hindi niya mabuksan ang pinto. Namatay ang mga tao dahil sa pagkalunod, pagkakuryente, mud-rock flow, pagguho ng mga gusali, pagkalaglag ng ibat-ibang bagay, at ang iba naman ay tinamaan ng kidlat. Kahit ipinalabas ng pamahalaan ang babala, hindi alam ng maraming sibilyan na kung ano ang mangyayari at gaano ka-grabe ang situwasyon na kakaharapin nila.
Sa kabilang dako, mayroon din naman tayong nakitang ilang mabuting bagay dahil sa baha:
1. Nagtulungan ang mga sibilyan. Pagkaraan ng ulan, boluntaryong nagsakay ang mga tsuper ng mga ibat-ibang pampubliko at pribadong sasakyan ng mga taong na-trap sa kanilang bahay. Inilagay ng maraming tao sa weibo ang kanilang mga sariling adres para magkaloob ng pansamantalang matutulugan at pagkain sa mga taong na-trap. Inilagay din sa weibo ang mga impormasyon ng paghingi ng tulong para mas maginhawang matuklasan ang mga na-trap na tao at mailigtas sila.
2. Abalang-abala ang street cleaners, firefighters, policemen, traffic warden para mapaliit ang pinsala na dulot ng ulan.

Nagtatrabaho ang isang street cleaner
Ipinakita ng malakas na ulan ang kahinaan ng lunsod ng Beijing. Dapat maging aral ito para sa mga namumunong opisyal at gawing mabigat na pagbabala para mapabuti ang konstruksyon ng lunsod.
Samantala, ipinakita din nito ang espirito ng pagtutulungan ng mga sibilyan at paniniwala sa isa't isa ng mga tao.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |