Ayon sa ulat ng Iranian media kahapon, ipinahayag noong ika-13 ng buwang ito ni Ali Akabar Salehi, Ministrong Palabas ng Iran, tumututol ang kanyang bansa sa kapasyahan ng Organization of Islamic Cooperation (OIC) na alisin ang pagiging kasapi ng Syria.
Inulit ng Mehr News Agency ang mga salita ni Salehi na sa organisasyong ito hindi nakatutulong sa paglutas ng problema sa Syria ang pagppatalsik sa OIC. Dapat tumulong ang OIC upang malutas ang problema ng Syria at panatilihin ang kapayapaan sa rehiyong ito, dagdag pa niya.
Salin: Chen Jingyang