|
||||||||
|
||
Ipinahayag ng Wildlife Reserves Singapore (WRS) kahapon, na darating ang dalawang pandang Tsino na nangangalang 'Kaikai' at 'Jiajia' sa Singapore sa ika-6 ng Setyembre.
Maninirahan ang dalawang pandang ito sa Singapore nang 10 taon. Ang proyektong ito ay bahagi ng kooperasyon ng China Wildlife Conservation Association at WRS.
Ipinahayag ng lider ng WRS na ang pagdating ng Kaikai at Jiajia sa kanilang bansa ay nagpapakita ang simula ng kanilang pananaliksik tungkol sa panda. Aniya, hangad nilang magkaroon ng mas malalim na kooperasyon sa mga dalubhasang Tsino at nais nilang paramihin ang kanilang kaalaman tungkol sa pangangalaga ng mga panda.
Salin: Chen Jingyang
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |