|
||||||||
|
||
Dumalaw kahapon sa Afghanistan, si Martin Dempsey, Tagapangulo ng Joint Chiefs of Staff ng Amerika at nakipag-usap siya sa Supreme Commander ng NATO-led International Security Assistance Force at mga mataas na opisyal ng nasabing bansa tungkol sa mga pag-atake ng mga tropang panseguridad ng Afghanistan sa mga dayuhang tropa.
Kaugnay nito, sinabi ni Barack Obama ng Estados Unidos (E.U.), na nakahanda siyang magsikap, kasama ng sandatahang lakas ng Amerika at mga opisyal ng Afghanistan upang patigilin ang naturang mga pag-atake.
Ayon sa bilang ng E.U., umabot na sa 32 ang bilang ng mga pag-atake sa mga sundalong dayuhan, at ikinamatay na ito ng 40.
Salin: Chen Jingyang
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |