Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga "Old friend ng mga mamamayang Tsino"

(GMT+08:00) 2012-10-24 17:57:03       CRI

Noong ika-15 ng buwang ito, sumakabilang buhay si dating Hari Norodom Sihanouk ng Kambodiya. Nagpahayag ang mga Kambodyano at Tsino ng lubos na pakikidalamhati at taos pusong pakikiramay sa naulila ng Hari. Samantala, magkakahiwalay na ipinalabas ng mga pahayagang Tsino ang artikulo tungkol kay Norodom Sihanouk na nagsasabing nawalan ang Tsina ng isang mahalaga at "matalik na kaibigan." Dahil sa pangyayaring iyan, ang paksang "Old Friend ng mga Mamamayang Tsino" ang ating sesentrohan ngayong gabi.

Ayon sa mga balitang diplomatiko ng Tsina, ang salitang "old friend ng mga mamamayang Tsino" ay may espesyal na turing.

Nitong nakalipas na mahigit 60 taon, 601 tao ang itinuturing na "old friend ng mga mamamayang Tsino," at sila ay galing sa 123 bansa ng buong daigdig. Ilan sa kanila ang respetable at tinitingala, tulad ni dating Hari Sihanouk. Ilan naman ay kontrobersyal, at ilan pa ang hindi tanggap ng marami.

Ayon sa datos, bukod sa salitang "old friend ng mga mamamayang Tsino," madalas na ginagamit din sa mga balitang panlabas, ang salitang "nakapinsala sa damdamin ng mga mamamayang Tsino." Dahil, mas pinahahalagahan ng patakarang panlabas ng Tsina ang relasyon nito sa mga mamamayan ng iba't ibang bansa, sa halip na sariling kapakanan. Kaya, sa mga espesyal na balita, madalas na makikita ang mga nasabing mga salita. Ito ay may kinalaman sa tradisyonal na kulturang Tsino hinggil sa paraan ng pakikipag-ugnayan sa iba pang tao.

Sa kabuuan, 4 na henerasyon ang naturang mga kaibigan ng Tsina.

Ang mga nabibilang sa unang henerasyon ay ang mga taong lumahok sa iba't ibang rebolusyon simula noong unang dako ng ika-20 siglo, at tumulong sa Partido Komunista. Kabilang dito ay sila Journalist Edgar Snow, Doktor Norman Bethune, Journalist at Writer Agnes Smedley, at marami pang iba.

Ang ika-2 henerasyon ay pangunahing mula sa kontinente ng Aprika. Nang itayo ang bagong Tsina noong 1949, espesyal ang kalagayan ng diplomasiya ng Tsina. Ang nasabing mga kaibigan ay mga politician na gustong maging kaalyado ng Tsina. Si dating Haring Norodom Sihanouk ay kabilang dito.

Ang ika-3 henerasyon ay nagbigay ng ambag sa pagtatayo ng pagkakaibigan ng Tsina at iba pang mga bansa, lalong lalo na, sa normalisasyon ng relasyong Sino-Hapones, Sino-Amerikano, Sino-Britaniko, Sino-Pranses, at Sino-Aleman. Sila ay matalino sa sirkulo ng pulitika, kabuhayan, kultura, at iba pa. Halimbawa, sina Diplomata Henry Alfred Kissinger at Politician Tanaka Kakuei.

Ang ika-4 na henerasyon ay lumitaw pagkatapos ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina noong 1978. Sila ay galing sa iba't ibang sirkulo, at gumanap ng mahalagang papel sa pag-unlad ng Tsina. Si Juan Antonio Samaranch, IOC Honorary President for life, ay isang halimbawa. Aniya, sa kanyang mga natamong maraming karangalan, ang pinakagusto niya ay ang "Old Friend ng mga Mamamayang Tsino."

Sa nasabing 4 na henerasyon, ang mga kaibigan sa unang henerasyon ang pinakamatapat. Dahil pumunta sila sa bansa bago ang pagtatayo ng bagong Tsina noong 1949. Noong panahong iyon, ang Partido Komunista ng Tsina ay isang napakaliit na puwersa, hindi tulad ng situwasyon ngayon. Pinili ng mga kaibigan na tumulong sa Partido Komunista, at naranasan ang maraming kahirapan kasama nito. Sila ay tunay na idealist.

Mataas ang pamantayan ng pagtrato ng Tsina sa mga "Old Friend ng mga mamamayang Tsino." Puwede silang makipag-usap sa mga lider ng Tsina, at kumain kasama nila. Para sa mga kaibigang dayuhan na nakatira sa Tsina, regular silang kinakatagpo ng mga lider ng Tsina.

Ilan naman sa mga "Old Friend ng mga mamamayang Tsino" ang hindi tanggap ng komunidad ng daigdig. Halimbawa, 10 beses nang ipinahayag ng People's Daily, na si dating Pangulong Hosni Mubarak ng Ehipto ay itinuturing na "Old Friend ng mga mamamayang Tsino" dahil sa kanyang pangkaibigang pakikitungo sa Tsina.

Ngunit, sa listahan ng "Old Friend ng mga mamamayang Tsino," ang mga taong katulad ni Mubarak ay minoriya, at matatanggap nila ang tamang pagtaya ng kasaysayan.

Ang istorya ng naturang mga "Old Friend ng mga mamamayang Tsino" ay bahagi ng istorya ng Tsina. Puwede nating basahin ang kanilang mga kuwento, para balik-tanawin ang kasaysayan ng Tsina.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>