Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Katarungang hudisyal at pagkakapantay-pantay sa edukasyon, binigyang pansin ng Pambansang Kongreso ng CPC

(GMT+08:00) 2012-11-14 16:53:02       CRI

Idinaos kahapon ng Media Center ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina ang dalawang online interview hinggil sa katarungang hudisyal at pagkakapantay-pantay sa edukasyon ng Tsina.

Lumahok sa interview hinggil sa katarungang hudisyal ang mga opisyal mula sa hukuman, prokuratura, at Ministri ng Katarungan ng Tsina. Isinalaysay nila ang hinggil sa kalagayan ng katarungang hudisyal ng bansa. Binigyang-diin din nilang ang pagpapalakas ng pagsusuperbisa sa mga departamentong pangkatarungan ay isang mahalagang bahagi ng pagpapalakas ng legal supervision.

Lumahok naman sa interview hinggil sa pagkakapantay-pantay sa edukasyon ang Ministro ng Edukasyon ng Tsina, at mga puno ng iba't ibang paaralan. Ipinahayag nilang ibayo pang bibigyan ng mga preperensyal na patakaran ang mga college student mula sa kanayunan, at pabibilisin ang pagpapabuti ng kondisyon ng mga paaralan sa kanayunan. Isinalaysay din nila ang progreso ng nutrition improvement program ng pamahalaan sa mga mag-aaral sa kanayunan.

Salin: Liu Kai

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>