|
||||||||
|
||
Sa kanyang higit 40 taong paninirahan sa Tsina, nasaksihan na ni Jaime FlorCruz, Beijing Bureau Chief ng CNN ang tatlong pagpapalit ng liderato ng bansa. Sa loob ng panahong ito, nakita nya ang katuparan ng mga itinalagang target ng Partido Komunista ng Tsina para isulong ang kaunlaran ng bansa.
Sa pagpapatuloy ng Pulsong Pinoy, ibinahagi ng batikang mamamahayag ang kanyang pagtasa sa ilang bahagi ng ulat ni Pangulong Hu Jintao sa pagbubukas ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina.
Kanyang inilahad ang mga pananaw sa ilang piling kataga na sinambit ni Pangulong Hu sa aspekto ng ekonomiya, pagpapalaganap ng politikal na integridad at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng reporma sa istukturang pulitikal ng Tsina.
Pakinggan po natin ang kabuuan ng panayam na ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |