Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mataas na pag-asa sa pag-unlad ng kalakalang Sino-Pilipino, ipinahayag ng PCCI

(GMT+08:00) 2012-11-16 10:27:53       CRI

Positibong pagtasa ang inilahad kahapon sa Serbisyo Filipino ni Miguel "Mike" Varela, Tagapangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) at Employers' Confederation of the Philippines (ECOP) hinggil sa kasalukuyang idinaraos na ika-18 Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

Aniya, ang mga repormang isinusulong sa nasabing Kongreso, lalung-lalo na sa larangan ng pakikipagkalakalan at pamumuhunan ay magdudulot ng magandang hinaharap, sa komunidad ng negosyo at pinansya ng kapwa bansa.

"Kami sa (Philippine) Chamber (of Commerce and) Industry, positive ang tingin namin dito, sapagkat ito ay bagong pagkakataon para tayo ay magkaroon ng "better communication" sa leadership ng China," ani Varela.

Bukas din aniya ang PCCI sa pakikipagtalastasan upang palakasin ang ugnayan nito sa komunidad ng negosyo at pamahalaan ng Tsina; at resolbahin ang mga kahirapan at suliranin na kinakaharap ng bawat panig.

"Aniya, "probably, we can open up a dialogue with the leadership (of China), hence, suriin natin kung ano iyong nakikita nating problema at tingnan natin kung ano ang pinakamaayos na solusyon na puwede nating gawin."

Kaugnay naman sa epekto ng isyu sa teritoryo na kasalukuyang nireresolba ng dalawang bansa, sinabi Varela, na hindi naman ito masyadong nagkakaroon ng negatibong resulta sa pagnenegosyo ng Pilipinas at Tsina.

"Ang nakikita ko, hindi naman gaano kalaki ang effect nito; nakakapagnegosyo pa naman tayo with China," aniya pa.

Dagdag ni Varela, maski saan ka magpunta sa Pilipinas, maraming makikitang mga produktong Tsino na tinatangkilik ng mga Pilipino.

Kaugnay nito, sinabi niyang, gayundin naman ang nakikita nilang pagtangkilik ng mga Tsino sa mga produktong Pilipino na iniluluwas sa Tsina.

Samantala, ipinahayag din ni Varela ang malaking pag-asa sa pag-unlad ng relasyon at kalakalan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas sa pagpasok ng bagong liderato ng CPC.

Aniya, "they will probably be more open to communication. Siguro, maaring maging more candid iyong relationship: maaring sabihin kung ano iyong hindi gusto at saka kung ano iyong dapat gawin ng isat-isa."

Ipinahayag din ni Varela ang taos-pusong pagbati ng PCCI sa pagdaraos ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC.

"Binabati po namin ang Kongresong nagaganap ngayon sa Tsina. Ipinagdarasal po namin ang success nito; ito sana ang maging daan upang magkaroon ng better understanding ang Philippines at China. Kung anumang sigalot, kung anumang problema ang mayroon, (sana) ay mahanapan ng solusyon," dagdag ni Varela

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>