Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Paglahok ng Pilipinas sa Ika 4 na China Overseas Investment Fair

(GMT+08:00) 2012-12-04 18:35:03       CRI

Kasalukuyang ginaganap sa Beijing ang Ika 4 na China Overseas Investment Fair. Kalahok ang Pilipinas sa nasabing fair at ito'y pinangungunahan ng Kagawaran ng Pagsasaka. Tampok ang mga produktong agrikultural ng bansa tulad ng mangga, pinya at saging. Hangad din ng delegasyon na humimok ng mga mamumuhunan upang maging katuwang sa pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran sa Pilipinas.

Delegasyon mula sa Kagawaran ng Agrikultura: Leonila Baes, Joyce Bengo, at Teresa Solis

Pagpapakilala sa mga produktong agrikultural mula sa Pilipinas

Ipinakilala naman sa investment seminar ang lungsod ng Bacolod sa Negros Occidental. Ayon kay Ma. Lina Sanogal, Provincial Planning and Development Officer sa Negros Occidental, ang kanyang lalawigan ay may maraming pagkakataon para sa mga bahay-kalakal na Tsino na nais magbuhos ng puhunan at magbukas ng negosyo sa Bacolod.

Si Ma. Lina Sanogal, Opisyal ng Lalawigan ng Negros Occidental, kasama ang mga opisyal mula sa Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing

Sa kanyang pambungad na pananalita, ibinahagi naman ni Vic Leviste, Agricultural Counselor ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing ang positibong pagtasa sa ekonomiya ng Pilipinas. Ang bansa sa ngayon ay may Fitch credit rating na BB+.

Si Vic Leviste, Agricultural Counselor ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing

At ang Administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III ay patuloy na naninindigan para labanan ang kurapsyon at tax evasion, mga bagay na malaki ang ambag sa kalakan at pamumuhunan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>