|
||||||||
|
||
Ang paksa natin ay tungkol sa "pambansang damit." Kapag nabanggit ang "pambansang damit," maaaring pumasok sa isipan ninyo ang Barong Tagalog at Baro't Saya. Pero, alam po ba ninyo kung ano ang hitsura ng pambansang damit ng Tsina?
Sa katotohanan, hindi ko rin alam kong ano ang pambansang damit na Tsino: siguro Tang Suit, siguro Zhongshan Suit o Chinese Tunics Suit. Wala pa kasing opisyal na regulasyon ang pamahalaan, at wala ring nagkakaisang palagay hinggil dito. Kamakailan, ang isyung ito ay naging napakainit dahil sa isang manunulat na Tsino ——si Mo Yan. Si Mo Yan ay kauna-unahang Tsinong manunulat na nagwagi ng Nobel Prize in Literature, at ito rin ang kauna-unahang pagkakataong lumahok ang isang Chinese citizen sa seremonya ng paggagawad ng gantimpala ng Nobel Prize. Itinuturing na ang paglahok sa seremonyang ito bilang malaking karangalan ng mga mamamayang Tsino. Umaasa ang mga netizen na magsusuot si Mo Yan ng pambansang damit ng Tsina sa seremoya.
Pero, iba't ibang palagay kung ano talaga ang pambansang damit ng Tsina. Iminungkahi ng ilang tao ang "Tang suit," at iprinomowt ng ilan ang "Zhongshan suit," samantalang mayroon ding ilang taong kumatig sa "Han suit." Hanggang sa ngayon, wala pang kamong palagay, at ito rin ang nagbibigay ng palaisipan kay Mo Yan.
Kaya, naghanda si Mo Yan ng 5 damit para sa iba't ibang okasyon na idaraos ng Nobel Prize Committee. Ang mga ito ay para sa seremonya ng paggagawad ng gantimpala, at iba pang seremonya, na tulad ng akademikong aktibidad, at ball. Ang mga damit ay kinabibilangan ng swallowtail coat, Zhongshan suit at business suit.
Isinuot ni Mo ang Zhongshan suit sa kanyang talumpati sa Swedish Literature Institute.
Ang Zhongshan suit, ay kilala rin bilang Mao suit sa mga kanluraning bansa, dahil suot ito ni Mao Zedong sa seremonya ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina. Ito rin ay laging suot ni Mao Zedong sa ibat-ibang okasyon kaya tinagurian itong "Mao suit."
Ang Zhongshan suit ay talagang pormal, pero, ito ay galing sa pulitikal na kultura, hindi galing sa kultura ng bayang Tsino. Sa pananaw na ito, ang "Tang suit" ay mas maganda. Ito ay talagang Chinese Style. Noong 2001, sa seremonya ng pagpipinid ng APEC Summit sa lunsod ng Shanghai, nagsuot ang iba't ibang kalahok na lider ng "Tang Suit" para magpakuha ng larawan. Katulad din ng APEC Summit noong 1996 sa Subic, ipinasuot ang Barong sa iba't ibang kalahok na lider.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |