
Idinaos kagabi sa Beijing ang evening gala para sa mga estudyante na galing sa mga bansang ASEAN.
Dumalo sa gala ang halos isang daan kinatawan ng mga estudyante ng ASEAN para magpalitan ng kanilang karanasan sa pag-aaral dito sa Tsina.
Sa mensahe ni Ma Mingqiang, Pangkalahatang Kalihim ng Sentro ng Tsina at ASEAN, umaasa aniya siyang pagkatapos ng mga kurso ng naturang mga mga estudyante sa Tsina, gaganap sila ng papel sa pagpapasulong ng relasyon ng Tsina at ASEAN at pag-unlad ng kani-kanilang bansa.
Sinabi naman ni Wiboon Khusakul, Embahador ng Thailand sa Tsina, na ang wika ay mahalagang tulay para sa pagpapalagayan ng dalawang bansa.