![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Pagkamakabayan, Inobasyon, Pagiging Kabilang sa Lipunan at Kabutihan… ang mga ito ang Diwa ng Beijing. At isang timpalak sa pagkuha ng litrato ang idinadaos taon-taon na nag-aanyaya sa mga dayuhan na magsumite ng mga larawan batay sa temang ito.
Si Arch. Alex De Dios
Sa taong ito, nakamit ni Arch. Alex De Dios ang ikalawang gantimpala sa Beijing Spirit in the Eyes of Foreign Friends.
Para sa mga Pilipino, isa sa mga pinakamagandang tanawin ang paglubog ng araw. At ito ang nagsilbing inspirasyon kay Alex para kunan ang dapit-hapon sa Beijing. Mula sa bintana ng kanyang opisina sa Da Wang Lu, sa ika-24 na palapag inabangan nya ang pinaka magandang sunset na nakita nya sa Beijing. Ayon sa arkitekto, ang tagpong ito ay sumasalamin ng lahat ng mga magagandang bagay sa Beijing.
Award of Excellence
13 larawan ang isinumite ng arkitekto na mahilig sa potograpiya. At bukod sa nakuha nyang karangalan, ginawaran din ang isa pa niyang larawan ng Award of Excellence. Ito ay litrato ng mga tagawalis ng kalye. Paliwanag ni Alex, ito ang representasyon nya sa pagkamakabayan. Dahil kapag ginagawa ng isang mamamayan ng mabuti ang kanyang trabaho, ito ay nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.
Hindi sya aral sa pagkuha ng litrato. Sa pagkuha ng "perfect shot" kailangan ang timing at pag-aanggulo. Malaki ang ambag ng kanyang naging karanasahan sa teatro para maagang matutunan ang mga ito.
Para sa darating na taon, balak nyang buuin ang isang koleksyon ng mga larawan na nagpapakita ng paglubog ng araw sa ibat ibang bahagi ng Tsina. Sinimulan na nya ito sa Beijing.
Ika-2 gantimpala ng Beijing in the Eyes of Foreign Friends
At kanyang payo sa mga nais pasukin ang hobby na ito, dapat magsimula sa pinaka-simpleng hakbang: basahin ang manual ng camera. Dagdagan pa ito ng pagpupursige tiyak may mararating ang hilig sa pagpitik ng litrato.
Bukod kay Alex, kinilala din ang iba pang miyembro ng Pinoy Overseas Photographers Beijing sa Beijing Spirit in the Eyes of Foreign Friends:
John Raymond Ching Tiam and Laureano Foz - 3rd Place at Domingo Lorenzo O. Cui - Award of Excellence" (Honoroble mention).
Larawang kuha ni Alex sa Tian'anmen Square
Kabilang din sa ilalathalang libro ang mga larawan na kinunan nila Renen E. Viola,Carlo Guina, Ramon Licudine Almazan at Red Ognita. Sa higit 3000 mga submissions 300 lang ang napili.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |