Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Fritzel Labinghisa at ang Salsa

(GMT+08:00) 2013-01-09 18:15:17       CRI

Ang sayaw, bilang sining ay maituturing na pandaigdigang lengwahe. Maaring magka-unawaaan ang sino man kahit na mula sa ibat ibang lahi o bansa. At sa pamamagitan ng sayaw na salsa, nagkakasundo at nagkakabuklod-buklod ang maraming mahilig sa salsa na naninirahan sa Beijing.

Fritz, kasama ang ilang estudyente

Noong dekada 90 hindi uso ang salsa sa Tsina. Ngunit dala ng pagbubukas ng bansa sa buong mundo, unti-unting nakilala ng mga Tsino ang latin dance na salsa.

2004 dumating sa Beijing si Fritz at isa sya sa mga kauna-unahang guro ng salsa sa Beijing. Kung sayaw at sayaw din lang ang pag-uusapan, di matatawaran ang kakayahan ni Frtiz dahil higit 15 taon na ang karanasan nya bilang mananayaw. Ayon kay Fritz, hindi nya kailanman makakalimutan, noong unang beses syang nagsayaw sa harap ng mga Tsino, binigyan sya ng standing ovation. Iyon daw kasi ang unang beses na nakakita sila ng salsa dancer na nakangiti habang nagsasayaw. Si Fritz din ang tagapag tatag ng Club of Beijing Dancelife.

Mga Tsino na sumabay sa pagsasayaw ni Fritz

Maraming nang mga kumpetisyon ang sinalihan ni Fritz. Kasama si Liza Liu, isang Tsino lumahok sila sa World Salsa Championship.

Fritz & Joy

Ngayong taon may bagong pinagkaka-abalahan ang batikang mananayaw. Nitong Disyembre ay binuksan nya ang Beijing Salsa Club. Ka-partner nya dito si Lynne Dai isang Tsino. Sa Beijing Salsa Club may mga klase si Fritz at si Joy. Bukod sa Salsa at mga latin dances , pwede mag-enrol sa mga klase ng social dance at modern dance. May belly dancing din!

Guro ng belly dancing

Mga Rusong guro sa Beijing Salsa Club

Ang tagumpay ni Fritzel Labinghisa sa larangan ng pagsasayaw ay kapuri-puri. Gamit ang talento naging bahagi sya pagpapakilala ng isang uri ng sayaw na bagamat dayuhan ang ugat, ay natutunan namang mahalin ng mga Tsino. Sa pamamagitan ng salsa, kasabay ng kanilang pag indayog, nabubuo ang pagkakaibigan sa pagitan ng guro at mga mananayaw na di basta basta mapapantayan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>