Mahigit 10 araw na ang aksyong militar ng Pransiya laban sa mga rebeldeng kontra sa pamahalaan ng Mali. Ayon sa pinakahuling balita, kamakailan, dumating ang hukbo ng Pransiya sa hilaga ng Mali.
Nauna rito, ipinahayag ng Alemanya na ipapadala ng kanyang bansa ang 2 eroplano bilang tulong sa Mali. Ipinangako rin ng Berlin na isasapubliko nito ang ambag ng bansa sa Pulong sa Tulong ng Aksyong Militar na idaraos sa Addis Ababa, kabisera ng Ethiopia, sa ika-29 ng buwang ito. Sinabi ng ulat na ipagkakaloob ng Alemanya ang tulong ng pondo sa aksyong militar sa Mali.
Salin:Sarah