![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Malaki ang papel ng media sa lipunan. At ito'y may ambag sa pagsulong ng isang bansa. Ang impormasyong makukuha mula sa ibat ibang plataporma ng media ay may kapangyarihang hubugin ang kaisipan ng publiko. Pwede rin itong pagkunan ng sentimiyento ng sambayanan.
Si Dr.Violet Valdez, kasama si Machelle at Rhio, sa loob ng studio ng Serbisyo Filipino
Matapos ang kanyang panayam sa Communication University of China dito sa beijing, ibinahagi ni Dr. Violet Valdez, Associate Professor ng Konrad Adenauer Asian Center for Journalism, ng Ateneo de Manila University, ang ilang isyu na kinakaharap ng mga media professionals sa kasalukuyan.
Sa interbyu ng Serbisyo Filipino ng Radio Internasyonal ng Tsina, tinalakay ang mga bagay na pwedeng matutuhan ng mga Tsino sa mga Pilipinong mamamahayag. Napag-usapan din ang mga bagay na pwedeng mapulot ng Pinoy media sa counterpart nitong Tsino. Posible ba na magkaroon ng 5th estate sa Tsina?
Alamin ang mga tugon ni Dr. Violet Valdez at pakinggan ang kabuuan ng panayam sa pamamagitan ng audio link sa itaas.
Para sa karagdagang impormasyon sa Asian Center for Journalism at mga programa nito, dalawin ang website na http://acfj.ateneo.edu/
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |