![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Si FVR at reporter ng CRI (larawang kinunan ni Prof. Pan Jin'e PH.D. ng Chinese Academy of Social Sciences)
Sa isang panayam sa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina (CRI), sinabi kamakailan ni Dating Pangulong Fidel Valdez Ramos ng Pilipinas, na ang mabuting pakikipamuhayan ay mas maigi kaysa sa pag-uugnayan ng mga magkakamag-anak na magkalayo naman ng tirahan.
Sa kanyang pagtukoy sa kasalukuyang relasyon ng Pilipinas at Tsina, sinabi niyang kailangang manatiling mainam ang relasyon at pakikipamuhayan ng dalawang panig, dahil ang Pilipinas at Tsina ay nasa magkalapit na lokasyon lamang.
"Good neighbors are better than distant relatives," ani Ramos nang sipiin niya ang isang kasabihang Tsino.
Dagdag pa niya, "China is (a) good neighbor, but, you must stay as a good neighbor, (and) we will be a good neighbor to you (as well)."
Sa kanya pang paglalarawan, sinabi ni Ramos na, mas maigi ang matiwasay na pakikisalamuha sa kapuwa, kaysa sa relasyon ng magkapatid na naninirahan sa magkalayong lugar.
"It's better than your brother or your sister who lives there in the US, because they maybe your relatives, but they are very far away," dagdag pa ng dating punong ehekutibo.
Ani Ramos, kung tayo ay magbubuklud-buklod at magtutulungan para sa isang layunin, ito ay magreresulta sa isang situwasyong paborable para sa lahat.
"If you gather together for a common project and you cooperate very nicely, the sum of that is bigger than the two of you, 1 plus 1 is more than 2 but 11, because it will spread," aniya pa.
Panghinaharap na tunguhin ng relasyong Sino-Pilipino
Nang tanungin naman hinggil sa prospek ng relasyong Sino-Pilipino sa hinaharap, sinabi ng dating pangulo, na ang nasabing ugnayan ay dapat nakabase sa pagkakaibigan, kooperasyon, at harmonya, para magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan.
"Of course, we must patrol the South China Sea, but not with war ships, but with Coastguard, search and rescue, and navigational aids," ani Ramos.
Idinagdag pa ng dating pinuno, na dapat isulong ang prinsipyo ng "One world, One Asia Family."
Binigyan-diin ni Ramos, na kung tayo ay nag-aaway, hindi tayo magiging isang pamilya.
"If we have quarrels there (South China Sea), how can we have a family?" aniya pa.
Ani Ramos, mas makakabuti para sa lahat ng bansa sa Asya na magkapit-bisig, para matamo ang sabay-sabay na pag-unlad ng bawat isa.
"Why don't we fish together; because there are plenty of fish; why don't we dig for the oil and gas together? It's only a matter of cooperation and sharing," sabi pa niya.
"Sharing, unity of purpose, solidarity in values, teamwork in nation-building, teamwork in the 'One Asia Family', and teamwork in the United Nations;" ang mga ito ani Ramos ang mga kailangang gawin upang maging mapayapa ang buong mundo at magkaroon ng pangkalahatang kasaganaan.
Papel ng media sa isyu ng South China Sea
Hinggil naman sa papel na ginagampanan ng media sa naturang isyu, sinabi ni Ramos, na ang mga media ng Pilipinas at Tsina ay kailangang maging balanse at obdiyektibo.
"The media must always report balance news: yes or no, pro and con, must always be reported to the public," aniya.
Sa ngayon, ang salitang "publiko" aniya ay hindi lamang nangangahulugang Pilipinas at Tsina, ito ay ang buong mundo.
Responsibilidad aniya ng media na magbalita, ayon sa eksaktong kaganapan.
Dagdag pa ni Ramos, ang responsableng pagbabalita ay naayon sa masaganang pagsulong ng pagkakaisa at pag-unlad.
Aniya, "if we come out with certain opinions, conclusions, analysis, and interpretations, it must be for the good of the unity, solidarity, and teamwork."
Papel ng media sa pagpapalawak ng karapatan ng mga mamamayan
Sinabi ng dating punong ehekutibo, na napakarami nang tao sa kasalukuyan ang gumaganap sa papel ng media.
Dahil sa pag-unlad ng "new media" at mga bagong paraan ng pagsasahimpapawid at pagbabalita, sinabi ni Ramos na kahit ordinaryong taong may hawak ng cellphone ay maari nang maging mamamahayag.
Ito aniya ay magbibigay ng mas malawak na kapangyarihan at karapatan sa mga ordinaryong mamamayan.
"This will further spread, for two reasons. The technology of broadcast, the internet, satellites, and cyberspace is happening. At the same time, the common people are learning how to do these things, even the old people," dagdag pa niya.
Producer: Machelle Ramos, Rhio Zablan
Interviewer: Xian Jie (Jade) Writer: Rhio Zablan
Sound Editor: Liu Kai (Tata Frank)
Web Editor: Wei La (Vera)
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |