Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Oishi sa Pamilihang Tsino

(GMT+08:00) 2013-02-07 10:51:45       CRI

Sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas, maraming bahay-kalakal na may puhunang dayuhan ang naghanap ng pagkakataong komersiyal sa napakabilis na pag-unlad ng Tsina. Ang Liwayway (China) Co., Ltd ay isa sa kanila.

Sa kasalukuyan, ang "Oishi" brand ng kompanyang ito ay namumunong tatak sa pamilihan ng mga chichirya dito sa Tsina. Sa ilalim ng kalagayang isinasaayos ng Tsina ang estruktura ng kabuhayan, pinapaunlad ang mga katamtaman at maliliit na bahay-kalakal, at pinapataas ang kita ng mga mamamayan, nahaharap ang Liwayway sa malaking pagkakataon at hamon.

"Sa iba't ibang sulok ng Tsina, nalaman ng karamihan ng mga tao ang Oishi. Sa tingin ko, ito ay nagpapatunay ng tagumay ng aming kompanya."

Nang mabanggit ang lagay ng Oishi sa Tsina, ito ang sinabi ni Ginoong Li Peiming, Pangalawang CEO ng Liwayway (China) Co., Ltd.

Sa gitna si Li Peiming, Pangalawang CEO ng Liwayway (China) Co., Ltd, kasama ang mga mamamahayag ng CRI, sa punong himpilan ng Oishi sa Shanghai.

Noong 1993, pumasok sa pamilihang Tsino ang "Oishi". Pagkaraan ng halos 20 taong pag-unlad, kilalang kilala ang mga pagkaing pang meryenda nito sa buong Tsina. Ngayon, mahigit 8000 tauhan ang nagtatrabaho sa Liwayway China, at sumasaklaw sa mahigit 20 lunsod sa silangan at gitnang Tsina ang mga pagawaan at sangay nito. Ang mga produkto nito na gaya ng kendi, biskuwit,at potato chips ay hindi lamang mainit na tinatanggap ng mga mamimiling Tsino, kundi ibinebenta rin sa iba pang bansa sa Timog Silangang Asya, Europa at Amerika.

Ipinahayag ni Larry Chan, Chairman of the Board ng Liwayway (China) Co., Ltd, na salamat sa patakaran ng pagbubukas ng Tsina sa labas, may pagkakataon ang kanyang kompanya na magpalawak ang pamilihan sa karamihan ng mga rehiyon sa Tsina.

Sa kaliwa si Larry Chan, Chairman of the Board ng Liwayway (China) Co., Ltd, habang kinakapanayam ni Ernest Wang, mula sa Serbisyo Filipino

Dahil sa mainam na pamamalakad at benepisyong panlipunan na dulot nito, ginawaran ng China-ASEAN Business Council ng gantimpalang "10 pinakamatagumpay na bahay-kalakal ng ASEAN sa Tsina sa taong 2012" ang Liwayway China.

Sapul nang pumasok sa pamilihan ng miryenda ng Tsina, palagiang pangunahin sa balakin ng Oishi ang konstruksyon ng tatak at kalidad. Kaungay nito, ipinahayag ni Li Peiming na bilang isang bahay-kalakal na nagpoprodyus ng pagkain, mahigpit ang superbisyon at inspeksyon ng Oishi sa kaligtasan ng produkto, para magkaloob ng malusog, ligtas, at masarap na pagkain sa mga mamimili. Aniya,

"Sa kasalukuyan, lumagda kami ng long-term contract sa ilang suppliers. Habang ipinagkakaloob ang paninda, dapat iharap nila sa amin ang ulat ng inspeksyon sa kalidad. Kung kuwalipikado ang lahat ng mga indeks ng inspeksyon, saka lamang tatanggapin namin ang kanilang paninda."

Bukod sa pagkakaloob ng masustansiya, ligtas at masarap na pagkain, aktibong isinasabalikat ng Liwayway China ang responsibilidad na panlipunan. Nakatuon ang pansin nito sa usapin ng social public welfare. Upang maisakatuparan ang pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng emisyon, inilaan ng Liwayway ang ilang milyong yuan RMB na pondo para mapabuti ang kondisyon ng trabaho at produksyon. Kasabay ng pagtitipid ng koryente sa mga opisina at pagbabawas ng energy consumption sa produksyon, pinapalakas nito ang sewage disposal para maiwasan ang polusyon sa kapaligiran. Aktibo rin itong nag-aabuloy sa iba't ibang charity grousp ng Tsina upang tulungan ang mga mahihirap na estudyente at apektadong mamamayan sa Tsina. Hinggil dito, ipinahayag ni Li Peiming na ang ganitong gawain ay ideya ni Chan Kiong Ki See, Tagapagtatag ng Liwayway. Ani Li,

"Sa tingin ni Ginoong Chan Kiong Ki See, habang nakakakuha ng benepisyo, dapat may kontribusyon sa lipunan ang isang bahay-kalakal. Ito ang dapat gawin ng aming kompanya." HABAAN PA 

Kasabay ng walang humpay na pag-unlad ng pamilihang Tsino, nahaharap ang Liwayway sa pagkakataon at hamong na dulot ng pagsasaayos sa estruktura ng kabuhayang Tsino. Kahit ang pagpapataas ng karaniwang kita ng mga mamamayan ay nagpapataw ng presyur sa kapital ng manggagawa ng kompanya, optimistiko pa rin ang pakikitungo ni Chairman Larry Chan tungkol dito. Aniya, ang pagtaas ng kita ng mga mamamayan ay makakabuti sa pag-unlad ng pamilihan sa hinaharap.

Ang delegasyon ng mga mamamahayag mula sa CRI habang ipinakilala ang iba't ibang produkto ng Liwayway

Ipinalalagay naman ni Li Peiming na ang pagtaas ng kita ng mga Tsino ay isang di-maiiwasang yugto sa pag-unlad ng lipunan ng Tsina. Positibo rin aniya ang katuturan ng pagtaas ng kapital ng manggagawa para sa mga dayuhang bahay-kalakal na namumuhunan sa Tsina.

"Napakabilis ng pag-unlad ng Tsina, kaya di-maiiwasan ang proseso ng pagpapataas ng lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan, pagpapalaki ng pangangailangang panloob at pagpapalakas ng kakayahan sa pagbili. Kung walang pera ang mga mamamayan, walang kakayahan sila sa pagbili ng iyong produkto."

Sa kasalukuyan, ang pagbabago ng paraan ng paglago ng kabuhayan ay naging susi sa pag-unlad ng lipunang Tsino. Kaugnay nito, ipinalalagay ni Li Peiming na tulad ng mga bahay-kalakal na Tsino, kinakaharap naman ng mga bahay-kalakal na may puhunang dayuhan na gaya ng Liwayway China ang isyu ng pagbabago ng estruktura. Maaaring maisakatuparan ng Liwayway ang pagbabago ng estruktura sa pamamagitan ng pagpapataas ng digri ng automayon at pagpapabuti ng lebel ng komprehensibong pangangasiwa.

Ang pagbabago sa pamamaraan ng paglago ng kabuhayan ng Tsina ay isang proseso ng pagpapalawak at pag-a-upgrade ng pamilihan. Ito rin ang mainam na pagkakataon para sa kaunlaran ng Liwayway China.

Ang artikulong ito ay batay sa ulat ni Ernest Wang at isinalin sa Pilipino ni Vera.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>