Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

DINAH VENTANILLA: Bukas ang tahanan para sa mga turista, kahit di kakilala

(GMT+08:00) 2013-03-05 17:33:40       CRI

Ang mundo ay lumiliit at para na itong isang pamayanan. Yan ang pananaw ni Dinah Ventanilla, na binuksan ang kanyang tahanan para sa mga turista kahit di sila kakilala.

Isang Teacher Trainor si Dinah sa English Program ng Scholastic Publishing Co. dito sa Beijing. Higit anim na taon na siyang nagtuturo ng Ingles dito sa Tsina. Sa loob ng anim na taon niyang paninirahan sa Beijing, pwedeng sabihin na ang lungsod ay para na lang isang malaking bakuran dahil gamay na niya ang bawat sulok nito.

Si Dinah Ventanilla

Adventurous? Oo. Curious? Tama. Lakwatsyera? Pwede. Lahat yan pwedeng gamitin para ilarawan ang single na Pinay. At pwede rin niyang sabihin na "I know Beijing like the back of my hand --- or some parts of it."

Sa mga travel bugs na tulad ni Dinah, isang sikat na social network site ang couchsurfing.org. Miyembro si Dyna nito mula noong 2007.

Si Dinah kasama ang couchsurfing group ng Shanghai. Ito ang grupo na nag flash dance mob at lumangoy kasama ng sirena sa Denmark pavilion.

Kung literal na isasalin ang couch surfing ito ay nangangahulugang paghahanap ng sofang matutulugan ng ilang araw. Para ito sa mga nais makatipid sa pambayad ng tirahan at makakilala ng mga lokal na pwedeng maging guide habang nagbabakasyon ang turista sa isang lungsod.

Sa Beijing may higit 4000 miyembro ang couchsurfing.org Patunay ito na madami talaga ang travel bugs sa Tsina. Sa buong mundo may 3 milyon myembro ang site sa higit 200 bansa. Sa tulong ng couch surfing, nagkaka-network ang mga turista, at kung mapagkakatiwalaan sa tulong ng mga feedback, pwede silang patuluyin sa bahay ng isang miyembro kahit na sa website lang sila nagkakilala.

At ipinakikilala ni Dinah ang sarili bilang "Fabulously Pinay."

Si Dinah kasama sina Hong Duc & Marie Antonia na galing Alemanya. Iniwan nila ang 9-5 job para mag byahe sa buong mundo

Sina Maja and Stejpan, unang bisitang couchsurfer na mula sa Croatia.

Noong 2012, may 11 milyong turista ang dumalaw sa Tsina. Sa bilang na ito, nangunguna ang mga taga Timog Korea. Sinundan ito ng mga Hapon sa ikalawang pwesto, pangatlo ang Rusya, pang-apat ang mga Amerikano at panglima ang mga taga Malaysia.

Isa sa mga pangunahing destinasyon ng mga turista ang Beijing. Mukhang ang Great Wall at Forbidden City ay di talaga mawawala sa listahan ng mga "dapat mapuntahan" ng isang tao bago sya mamatay. Pero ayon kay Dyna, marami pang pwedeng madiskubre sa Beijing bukod sa mga sikat na tourist spots. Yung nga lang dapat handa ang mga turista para subukin ang mga ito.

Pagpapakilala ni Dinah ng mga "exotic" snacks ng Beijing kay Anja na mula sa Alemanya

May 20 couch surfers na ang pinatuloy ni Dyna sa kanyang bahay sa Chaoyang District isang taon matapos siyang maging couch surfer. Mga taga Europa sila at ayon kay Dyna game sila sa lahat ng bagay kaya masaya ang naging bakasyon nila sa Beijing. Bukod sa nightlife, patok sa kanyang mga bisita ang mga hutong at ang ibat ibang pagkaing Tsino.

Syempre pagkakataon na din ito para sa dalagang Pinay na ibida rin ang Pilipinas. Minsan, nahikayat nya ang dalawang couchsurfers mula Sweden na subukang mag-Pasko sa Pilipinas. At di siya nabigo dahil talagang kakaiba ang Paskong Pinoy.

Alala mula sa Dutch couchsurfers na sina Marthe and Malou at ang pangakong dadalaw sila sa Pilipinas

Sina Oscar and Made sa sofa ni Dinah habang ipinakikilala ang Swedish combo na raspberry drink at cinnamon rolls.

Ano ang pinakamahalagang bahay na nakukuha nya sa pagiging bahagi ng couch surfing network? Ayon kay Dinah, inspirasyon ang karanasan ng kanyang mga bisita sa pagbyabyahe. Pero ang pinakamahalaga dito ay mas naging matapang siyang maglakbay at subukin ang mga bagay na dati'y kahit sa hinagap di nya kayang gawin. Higit dito, sabi ni Dinah sa kanyang mga byahe mas nakilala nya ang kanyang sarili.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>