|
||||||||
|
||
Naghahanda ngayong Marso ang siyam na mag-aaral ng Philippine Culture and Language Studies ng Peking University para sa isang byahe na magpapayaman sa kanilang kaalaman tungkol sa Pilipinas at mga Pilipino.
Ngayong gabi bibigyang daan ng Serbisyo Filipino ang isang programa na tampok ang nakatutuwang sagot ng mga nasabing mag-aaral matapos na punan nila ang patlang sa ilang mga "makulit" na pangungusap.
Handa na ba silang sumabak sa kanilang anim na buwang pag-aaral sa Ateneo de Manila University? Gaano kalalim ang kaalaman nila tungkol sa pamumuhay ng mga Pinoy? Uubra na ba ang baon nilang mga salitang Pilipino at kaya na ba nilang makipag-kulitan sa mga magiging kaibigan sa Ateneo?
Pakinggan natin kung paano binuo ng grupo ang mga "bitin" na pangungusap na ibinigay ng Serbisyo Filipino. Narito ang sagot nila Joe, Milky, Amihan, James, Tom, Lisa, Neomi, Leo at Apple.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |