|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||

Sa pagtataguyod ng Asian Society at Lee Kuan Yew School of Public Policy, idinaos kamakailan sa New York ang 2-araw na pandaigdig na symposium hinggil sa isyu ng South China Sea. Lumahok sa symposium ang mga eksperto at iskolar mula sa Tsina, Estados Unidos, at mga bansang Timog Silangang Asyano. Nanawagan sila sa iba't-ibang may kinalamang panig sa isyung ito, na palakasin ang pag-uusap at pag-uugnayan, para maiwasan ang paglala ng kalagayan.
Sinabi ni Zhu Chenghu, Propesor ng National Defence University ng Tsina, na ang nangyayaring problema sa kapwa isyu ng South China Sea at Diaoyu Islands ay dahil sa kagustuhan ng ilang bansa na baguhin ang status quo sa mga lugar na ito. Dagdag niya, hindi inaasahan ng Tsina na ang isyu ng South China Sea ay magdudulot ng sagupaan.
Sinabi naman ni Christopher Hill, dating Pangalawang Kalihim ng Estado ng E.U., na masalimuot at sensitibo ang isyu ng South China Sea, kaya mas magandang magpakita ng pleksibilidad ang iba't ibang panig, para unti-unting malutas ang isyung ito sa pamamagitan ng mapayapang paraan.
Ipinalalagay naman ni Huang Jing, Propesor ng National University of Singapore, na ang patakarang "pagsasa-isang-tabi ng hidwaan, at magkakasamang pagdedebelop" na iniharap ng dating lider Tsino na si Deng Xiaoping, ay isang magandang solusyon sa mga isyu ng pinagtatalunang teritoryo. Kinakailangan din aniyang lubos na maunawaan ng iba't ibang panig ang hinggil dito.
Salin: Liu Kai
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |