
Opisyal na naisaoperasyon ngayong araw ang "Tinig ng Timog Dagat ng Tsina" ng China Radio International (CRI)-unang multi-linguwaheng pagsasahimpapawid ng Tsina para sa rehiyong-pandagat ng South China Sea (SCS) at mga bansa at rehiyong nakapaligid dito. Sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Wang Gengnian, Presidente ng CRI, na ang layon ng "Tinig ng Timog Dagat ng Tsina" ay bigyan ng serbisyo ang "Mapayapang Dagat" at "Kooperatibong Dagat" bilang tugon sa pangangailagang pang-impormasyon ng mga mamamayan ng mga nagkapaligid na bansa at rehiyon, at mga dumaraang mandaragat sa lugar na ito.
Nagsasahimpapawid ang "Tinig ng SCS" sa wikang mandarin, Ingles, Biyetnames, Malaysian, Pilipino, at Indonesian. Sumasaklaw ito sa Pilipinas, Biyetnam, Indonesya, at mga nagkapagilid na bansa, lalawigang Hainan, at rehiyong pandagat ng SCS ng Tsina. Samantala, sinimulang buksan ngayong araw ang website ng "Tinig ng SCS."