![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Halos mapuno ng mga delegado mula sa industriya ng turismo ng Tsina at Pilipinas ang Ballroom 1 ng Hyatt Hotel sa Beijing, nang idaos dito kahapon ang Philippine Tourism Conference para sa taong 2013.
Sa taong ito, ang probinsya ng Bohol ang tema at sentro ng naturang aktibidad- panturismo.
Sa pamamagitan ni Evangeline Ong Jimenez-Ducrocq, Minister at Consul ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing, ipinaabot ni Ambassador Erlinda Basilio, Bagong Sugo ng Pilipinas sa Tsina ang taos-pusong pagbati sa lahat ng mga delegado.
Si Evangeline Ong Jimenez-Ducrocq
Aniya pa, ang industriya ng turismo ay itinuturing ng Embahada ng Pilipinas na napakaimportanteng katuwang at kaibigan sa pagpapakilala at paglalapit ng kagandahan at kariktan ng Pilipinas sa puso ng mga Tsino.
Dagdag pa ni Ducrocq, ang mga propesyonal ng industriya ng turismo ng Pilipinas ang siyang nagsusulong ng "people-to-people exchanges," na tumutulong sa pagtatayo ng matibay at pangmatagalang pundasyon ng relasyong Sino-Filipino.
Ang Bohol ay ang ika-10 pinakamalaking pulo sa Pilipinas at kabilang sa rehiyong may pangalawang pinakamataas na Gross Domestic Product (GDP), pagmamalaking sinabi ni Ducrocq.
Aniya, ito ay ang tahanan ng Philippine Tarsier, pinakamaliit na uri ng primate sa buong mundo, at kamangha-manghang Chocolate Hills.
Inimbitahan din ni Ducrocq ang lahat ng mga delegadong Tsino na bisitahin ang Bohol upang maranasan at malaman nila kung bakit ang Pilipinas ay tinaguriang "best leisure destination" ng Lifestyle Magazine, "most romantic destination" ng Shanghai Morning Post, "one of the best tourist destinations" ng Oriental Morning Post, at "most popular destination in Asia" ng Guangzhou International Tourism Fair at Guangzhou Information Times.
Noong 2011 hanggang 2012, tatlumpung porsiyento ng mga internasyonal na biyahe ay mga Tsino; at sa taong 2015, inaasahang 100 milyong Tsino ang maglalakbay sa ibang bansa.
Sa isa namang hiwalay na panayam sa Serbisyo Filipino, ibinida ni Attorney Lucas Nunag, Presidente ng Bohol Tourism Council, ang ibat-ibang atraksyon at magagandang tanawin ng Bohol. Pinapurihan din niya ang matatag at determinadong political will ng pamahalaan ng Tsina pagdating sa pagpapaunlad ng turismo.
Si Attorney Lucas Nunag
Dagdag pa niya, sana ay pamarisan ng pamahalaan ng Pilipinas ang ganitong uri ng determinsayon upang mas umasenso ang industriya ng turismo ng Pilipinas.
Tinawag din niya ang Bohol bilang "Puso ng Visayas."
Ang Philippine Tourism Conference ay isang taunang komperensiya upang ipakilala at i-promote ang ibat-ibang magagandang tanawin ng Pilipinas at mahalagang kasangkapan upang palakasin ang pagpapalitan sa pagitan ng mga mamamayang Tsino at Pilipino.
/end//jade/mac/rhio
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |